WATCH: Wagi sa kaso ang binulag na kasambahay, amo hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo
Naalala niyo ba ang kasambahay na si Bonita Baran na minaltrato at pinagmalupitan na parang manika ng kanyang mga amo taong 2012?
Pinaso ng plantsa, pinalo ng figurine dumbbells ang kanyang mukha at ulo, tinusok ng gunting, pinakain ng ipis, at pinakamasaklap, tinusok ang parehong mata na naging sanhi ng kanyang permanenteng pagkabulag.
Matapos ang halos limang taong pagdinig sa kaso at pakikipaglaban nito ay nakamit na ni Bonita Baran ang matagal na inaasama na hustisya. Patunay lamang na umiiral pa rin ang hustisya sa bansa.
Sinentensyahan na ng Quezon City Regional Trial Court Branch 77 ng reclusion perpetua o habang-buhay na pagkakabilanggo ang babaeng amo nito na si Anna Liza Catahan, habang 8 hanggang 14 na taong pagkakabilanggo naman ang sa asawa nitong si Reynaldo Marzan dahil sa kasong serious illegal detention sa kasambahay na si Baran.
Para kay Baran, wala pa ring kapatawaran ang ginawang pagmamalupit ng kanyang mga amo sa kanya at dapat na magdusa sila sa kulungan.
Pero kahit pa nawalan na siya ng paningin, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Baran at umaasa pa rin ng himala na makakakita pa ang isa niyang mata bagamat sinabihan na siya ng doktor na parehong bulag na ang kanyang mga mata.
Saludo naman ang Public Attorney's Office sa ipinakitang determinasyon at tapang ni Bonita Baran na ilaban sa korte ang kanyang kaso.
Si Baran ay maituturing na ding bayani ng mga kasambahay dahil sa kanyang kaso ay naisabatas ang Kasambahay Law na nagpalawak pa ng proteksiyon para sa mga kasambahay hindi lang para magkaroon sila ng mga benepisyo, kundi ang ituring silang mga kapamilya ng bawat tahanan.
Post a Comment