WATCH: Lola na dating nanunungkulan bilang guro at principal, school janitress na ngayon!
Isang nakakalungkot at masalimuot na kwento ang hatid ng isang lola na ito na dapat sana ay nasa pangangalaga na siya ng kanyang anak, ngunit naging mapait ang kanyang naging karanasan pagkatapos magretiro bilang principal.
Dating principal si Nanay Pacing sa isang public school sa Quirino Province at napilitang mag-retiro noong taong 2000 dahil sa edad na 65.
Ngunit taong 2004, nasunog ang kanilang bahay at ang perang naipon niya ay naipautang pa sa kanyang mga kamag-anak na hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran.
Ang inaasahan sanang anak na tutulong sa kanya ay nalulong naman sa barkada at bisyo at hindi na rin nakapagtapos ng pag-aaral.
Dahil sa hirap ng buhay, napilitan si Nanay Pacing na bumalik ulit sa trabaho at tinanggap niya ang anumang posisyon na bakante sa eskwelahan na naging tahanan niya sa loob ng mahigit 55 taon.
Pumasok siya bilang janitress sa mismong eskwelahan kung saan siya ay nanungkulan noon bilang guro at principal.
Kalahating araw lang mula Lunes hanggang Biyernes ang pasok ni Nanay Pacing at kumikita siya ng P2,500 kada buwan o halos P100 lang kada-araw. Maliit man ang kanyang kinikita ay pilit niyang pinagkakasya ito dagdag pa ang pangangailangan sa pambili ng kanyang gamot.
Hindi mapigilan ni Nanay Pacing na maging emosyonal sa tuwing sumasagi sa isip kung gaano kahirap ang naging sitwasyon niya ngayon.
Pero sa kabila nito, pursigido pa rin si Nanay na magtrabaho kahit matanda na hindi para sa kanya kundi para sa kanyang mga mahal sa buhay.
Post a Comment